unang una sa lahat... nakakagigil! bakit? kasi ayaw ko ng maging mahirap.
kaya naman goal ko sa unang buwan, mag-aral mabuti... pumasok sa paaralan ng hindi nale-late at hindi nag-aabsent, gawin ang mga requirements... makinig sa instructor, intindihin at isabuhay ang mga magagandang aral... hanggang sa maging habit ko na ito sa buong semester, at magpapatuloy pa ito sa mga susunod na semester hanggang makatapos ako. dito magsisimula ang lahat. dito magsisimula ang tagumpay!
gusto kong umasenso, ayaw ko na maliitin lang ako. papatunayan ko na mali ang mga negative impression sa akin! grrr! nabibingi na ako! paulit-ulit nalang ang sermon! kailan ba darating ang point na marinig ko... "I AM PROUD OF YOU!" amp! dapat yang mga negative na mga taong yan, hinahagis sa ere ng patiwarik, hehehe :) seriously, gigil na gigil ako, kaya pagbubutihan ko pag-aaral ko. as in, super gusto ko umunlad... magkakabahay din ako, doon titira kami ng nanay ko, kasama ang mahal ko. magagawa ko din ang gusto ko. kung saan magiging malaya ako. ayaw ko ng nasasakal. kung magkamali man ako sa mga desisyon ko, natuto ako! huwag lang akong sakalin, please lang.
kaya anuman ang balakid, tsupe tsupe! hindi ako uurong.
4 comments:
kayang kaya yan! at yung mga taong un dapat tinuturuan ng leksyon!
oo dapat turuan ng leksyion!! hay uber much noh! hehe
naks din!! :)) think +
salamat... oo think + talaga, hehehe
Post a Comment