last week sumubok akong mag-apply sa call center... una, hindi pumasa, haysssss... kahinaan ko talaga ang "listening skills" yun ang focus nung first exam... doon pa lang hindi ko na naipasa kasi madami akong hindi nasagutan.
kahapon pangalawang try sa isang kilalang call center, what on earth! unang round palang hindi na ako pumasa.. basic computer test! nakow! nasaan na ang pag-asa ko?????
...at dahil diyan dumeretso ako sa isang call center training center. doon nagtanung ako ng kung ano ang kailanagn para mag-enroll. ang sabi kelangan lang nila ng resume, so pina-print ko pa muna ung mahiwaga kong resume tapos bumalik ako. pinabalik ako after 30mins para sa assessment.
at ito na nga ung assessment, ininterview ako, simpleng tanong lang naman... pero crop! kainis, hindi ako makasagot, nauutal ako.. mali mali ang grammar ako at wala sa ayos ang sagot ko, ewan ko ba! naunahan ako ng kaba, hindi ako makasagot, as in! ANG RESULTA? siyempre i didn't qualify para mag-training, haha! epal ng araw na ito, mark that date june 4, 2012! practice on my own muna daw, and hindi pa daw ako ready, tapos yung ibang commentt is, dapat masaya daw ako hindi 'yong i sound sad, tama! napansin niya sad epekto siguro nung last na pinuntahan kong inapplyan wherein i didn't qualify. hohoho! LIFE! :) balik nalang ako june 18 para sa re-interview para tignan kung nag-improve ako.
at dahil jan naiiyak ako, ano ba naman kasi un.... puro failed! pero okay lang, ganyan talaga ang life, hehehe... try nalang ulit sa susunod, baka dun matanggap na.
God has plan, naniniwala ako jan ^_^ TAMA???? hehehe..
"KNOCK KNOCKED JOB OPPORTUNITY! please let me in"
at least i tried, rather than not trying at all, at least alam ko na ngayon kung saan ako nagkamali....
2 comments:
try looking for a new job na di callcenter,. kasi galing na ako sa callcenter and i hated the job sooo much!!
hanap ka na lang ng iba..pero kung masaya ka sa kasalukuyan mong work ay diyan ka na lang muna......
Post a Comment