May 18, 2012

Miss ko na ito.


Dati nakakapag-drawing pa ako. Dati nakakapagpinta pa ako gamit ang pastel. Dati nakakasali pa ako sa mga competition- poster-making competition o kahit anong related sa ARTS.

NGAYON HINDI NA. Hindi ko na nagagawa ang mga ganito... nakaka-miss. Dahil na rin siguro nakatuon ang panahon ko sa pagta-trabaho sa ngayon bilang isang crew. Hindi ako propesyonal, hindi ako magaling, ngunit ang bawat nagagawa ay walang katumbas na kasiyahan.  

Pangarap ko noon kumuha ng "FINE ARTS" kahit noong grade 1 pa lamang ako. Sabi nila wala daw mapapala sa kursong iyan, hindi naman iyon ang mahalaga sa akin, ang mahalaga natuto at masaya sa ginagawa. Hindi ko natupad ang pangarap na iyan. Dahil sa wala naman budget.

May mga collection ako ng mga nagawa ko noon na simpleng papel at pastel lamang ang ginamit ko. Nang ito'y aking binabalikan, tila hindi ko na naa-appreciate ang mga ginawa ko noon. Ganoon nga lang siguro, sa una akala "THE BEST" na... pero  sa paglipas ng panahon na tinago ito at titignan ulit, parang gusto mo pang paghusayan. 


Ito'y ilan lamang sa nahalungkat ko. 





Batang "J"
 









Ang lalaking nagtatago sa liwanag at dilim.

WEIRD stuffs...

Nang i-post ko minsan ang ilan sa mg anjan sa  facebook at tinag ang ilang friends... may nagsabing "ang pangit" sa akin sa per o kaya noong ipninakita ko sa ilang kaibigan, "hindi ko feel drawing mo".  Noong mga panahong ginawa ko 'yan feeling ko ang ganda- ganda... pero ngayong binabalikan ko "ay hindi pala" hehehe. Maraming practice pa para lubos na mahasa, di ba? :)


BLACK & WHITE

 

nakaka-miss talaga... hindi ko na ginagawa ito. di bale kapag may maluwag na oras, guguhit muli... 

iba talaga ang sayang madarama kapag mahal mo ang ginagawa mo. mahal ko ito, at kahit ilang taon pa na hindi ko ito nagawa, alam ko babalik pa din ako sa mahal ko- ang gumuhit. 

6 comments:

Si Inong ay ako said...

wala man akong masyadong alam sa art nagustuhan ko naman ang mga drawing mo noon ano pa kayat pag nakaguhit ka nang muli.

Tim Smithson said...

i do this stuff before din. but now wala na. ewan.

Arvin U. de la Peña said...

may kakaiba kang talent sa ganyan..ipagpatuloy mo....share mo dito sa blog o fb mo......

Jessica said...

maraming salamat.... :)

Jessica said...

nawawala ang skills pag hindi nahahasa at hindi nagagamit... sayang naman...

Jessica said...

salamat po...