November 29, 2011

hindi makatulog

hindi ako dinadalaw ng antok, kaya magba-blog nalang ako, habang hinihintay sumapit ang umaga...12am na ako nakauwi kanina galing duty sa trabaho, malamang kung matutulog ako, hirap na naman ako gumising... kelangan maaga pa ako sa school. ilang kape na rin ang nainom ko, kaya siguro gising na gising ako!!

epal talaga ano, mukha ko na naman ilalagay ko, wala lang.. gusto ko maiba naman sana, pero no choice 'yan na muna... gulo gulo pa buhok! pero okay lang wala naman ako pinapagandahan, wala naman ako lakad...haha.. care ko kung hindi maayos.. hehehe... basta magpi-picture ako ;)

hayyysss... life talaga, ayaw ko na ng drama... dapat masaya, kahit madami problema, sino nga ba ang wala? lahat naman tayo.. nasa pagdadala na lang siguro..

sa ngayon, imbes na gawin ko requirements sa school, gusto ko muna magrelax... oo, relax lang muna, para hindi masobrahan ang stress.. ayaw ko magmukhang matanda agad ano, hehehe... baka kumulubot agad ang skin, huwag muna...

madami ako kwento pero naba-blanko ako, next time nalang... sige hanggang dito muna... =)

No comments: