Showing posts with label pangasinan. Show all posts
Showing posts with label pangasinan. Show all posts

November 09, 2012

Picture Picture

Wala akong masyadong sasabihin sa post na ito.









Ang mga larawan ay kuha noong sembreak, gamit ang MY PHONE na brand ng seylpown ko.

Aba pumo-photoblog na pala ang pagguhit ng mga salita. Syemays! Full load this sem, kamusta naman daw ako? Buhay pa naman. Hihihi.. Bisi-busyhan effect. Malapit na ang  pageant para sa Mr. & Ms. CTE sa aming school kung saan kasali ako, kebkeb my heart. Ow may, buhay!

ABANGAN! Ang mangyayari sa pageant sa Nov. 14, 2012 sa ganap na 4:00 pm-10:00 pm ng gabi sa BSU gym. Kung nais niyo, maari din kayo makadalo. CHOS! HAHA.

October 25, 2012

Chika Gang

Maraming salamat sa mga nakibasa at nag-iwan ng comment sa award award post. Thank you and welcome. Abot hanggang tenga ang ngiti ko sa mga comments niyo (nakakatuwa lang talaga)

Ilang araw akong nasa Pangasinan since nung last post ko na AWARD AWARD. Jusme! Hindi ko pa ata ako tapos ipaalam sa mga tinag ko na tinag ko sila, lalarga na daw kami. Kaya wala na ako nagawa. Hihihi, kaya naging tahimik muna ang aking FB, Twitter at blog. Hindi dahil tinatamad ako, wala connection eh. Dun sa amin sa Pangasinan malayo pa sa computer shop, mga 2kms pa siguro para makapag internet sa mga computer shop. Tsaka ang init init, masusunog ang maitim kong kutis.  Tsaka ayaw kong lumabas at mamasyal doon, ang dami kasi mga "chikka gang"/ tambay. Nakakahiya dumaan.

Yung mga chikka gang sila ung mga tambay sa tapat namin. Wala na ata sila ibang ginawa sa buhay nila kundi ang umupo sa gilid ng kalsada at bilangin ang mga dumadaang tricycle. Atar lang. Kasi paggising sa umaga, andun na sila, ang aga aga nagku-kuwentuhan... tapos tinitignan nila ung mga kilos ko/namin. Kapag aalis ka ng umaga, andun sila nakatambay kapag dadaanan mo sila lahat ng mata nila nakatingin sayo (badtrip lang) artista ba ako? CHOS! hehehe. Tapos paguwi sa hapon andun pa din sila.... sus marya ginoo! May iba nagkukutuan. May nangungulangot. May inaamoy ung kili-kili.

Sa kasalukuyan balik Baguio City muna, hihihi.. kinuha ko ung grade ko. Yes! Pasado lahat, pero nalungkot lang kunti kasi hindi masyadong mataas grades. Hindi din naman mababang mababa. Sakto lang. hihihi. Enrollment na naman... wew! Saya saya.

Ang bait ng pinsan ko sabi niya pagkagaling ko sa Pangasinan, sabi niya mukha na daw ako probinsyana... Ang itim itim ko na kasi lalo. (ang sweet niya talaga ever).

Protected by Copyscape Online Copyright Protection Software