Showing posts with label Merry Christmas. Show all posts
Showing posts with label Merry Christmas. Show all posts

December 24, 2012

Happy Birthday Jesus

Ilang oras nalang at paskooooo na! 

Happy Birthday Jesus... Happy Birthday Jesus... Happy Birthday Happy Birthday... Hapeeeeee birthday Jesus!

Yehey! Alam naman na kahit na kinukulang man sa pera, pag sumasapit ang birthday ni Jesus sumasaya ang lahat. Dahil tunay na siya ang ating Diyos at pag-ibig. Tama? TAMA!! hehehe

Kaya naman kahit walang bagong sapatos, damit, at wala man material na bagay na matatanggap ngayong pasko, may bagong profile pic naman ako, hahahaha! Effort lang. Hindi man nagmumukang ako, pero ako pa din yan. Yung guhit sa pisngi hindi po pimple yan, dimple, hehehe. Pinagkaabalahan ko habang bakasyon.



Gaya nga ng sabi ko hindi man ako makatanggap ng mga materyal na bagay ngayong pasko, ang hinihiling ko lang ay ang regalong magtatagal gaya ng tagumpay sa buhay, na kahit anuman ang mangyari makakamit ko din ang mga hangarin ko sa buhay, at hindi lamang sa pansarili kundi ang magamit din ang aking hilig sa pagpipinta upang makaambag sa lipunan. Hindi man matupad sa ngayon, pero sa takdang panahon. 

Maraming salamat sa inyong lahat. Maligayang pasko po nawa'y maging si Hesus ang maging sentro ng ating buhay, at sa anumang biyaya ay atin siyang pasalamatan.

Maligayang pasko!

*madalas na po ako tatambay sa kabilang estasyon, hehe, blog pala.. follow me sa SKETCHES OF WORDS. 
Protected by Copyscape Online Copyright Protection Software